hindi siguro sila sikat sa buong sabitan pero simulan mo sa haus namin papuntang dulo walang hindi nakakakilala sa grupong ito.
sa simula mataas ang tingin ng mga bumubuo ng tropang ito sa akin, nung una nalokha sila nung minsan pag bigyan ko ang pabirong pag yaya nila sa akin makipag inom sa kanila
... doon ko rin nalaman sa medyo "suplada", "mataas", "snob" ang impression nila sa akin.
pero nung magkainuman na kami, happy naman ako na nabago ang impression na yun, naging "cool", "bakla", "jologs" na ang pagkilala nila sa akin.
pag nasa inuman siyempre may videoke dapat kantahin ko ang "superwoman" or else hindi ako makakauwi or hindi ako tatagayan
kaya kahit hindi ko na maabot ang nota go! pa rin
at tunay ka jackulot sobrang lalakas uminom ng mga ito...nakipag inuman na rin ako sa samahang piso pero iba ang mga ito, nagkaron kami ng bonding mga 2004 pa yata tapos naulit lang ng 2007 birthday ni Jen, walang videoke kaya walang mapaglibangan, ayaw din magkwentuhan puro tagay lang... aba hindi naman pang redhorse ang beauty ko pero dahil sa mayabang ako, sige sabay ako sa tagayan tapos pinauwi pa ako agad after the inuman gusto ko pa sana magstay para bumaba muna yung tama ko at para walang hang over the next day... kaya kinabukasan kalahating araw akong nasa kama.... at mula noon hindi ko pa ulit sila pinatulan sa kanilang pagyaya hehehhe